top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Tulay na bakal, nasira

ni JHON IAN E. ROMUALDO l 160501150022@r3-2.deped.gov.ph


Tuluyan ng bumigay ang tulay sa Ilog Bwasaw na bakal na nagdurugtong sa Sitio Lumibao at Sitio Lawak Bangar dahil sa bagyong Jolina, Setyembre 18.

Ayon kay Gng. Julifer Esteban, residente malapit sa tulay, nakarinig sila ng napakalakas na tunog mula sa ilog noong kasgsagan ng bagyo.

“Sobrang lakas talaga. Akala namin, may tumawid sa ilog at nalunod,” dagdag pa ni Esteban.

Kasama ang kaniyang asawa, manugang na lalaki, at hipag, pumunta sila sa ilog upang malaman kung ano ang tunog na iyon.

“Nagulat kami. Nasira pala iyong tulay na bakal. Buti na lang, walang dumaan sa tulay na iyon kung hindi baka namatay na siya,” pagpapatuloy pa ni Esteban.

Ayon naman sa pagmamasid ng Tribal Council sa pamumuno ni Marcelo Balario, nasira ang tulay dahil sa pagguho ng lupa na siyang sumusuporta sa tulay.

“Sa sobrang lakas ng agos ng tubig, gumuho ang lupa. Hindi nakayanan ng pundasyon kaya tuluyan itong bumigay,” paliwanag ni Balario sa panayam ng Ang Kalikasan.

Nangako naman si Balario na idudulog sa Buhawen Barangay Council upang muling mgawa ang nasabing tulay.

Nangangamba naman si Gng. Wennie Linggay, residente ng Lawak Bangar sa pagkasira ng tulay.

“Mahihirapan na kami tumawid kapag malakas na ang ulan. Mahihirapan na ang mga bata sa pagpasok dahil sa malakas na agos ng ilog na siyang madalas nilang pagliban kung may face-to-face class. Sana, maayos na ang tulay,” paliwanag niya.

Taong 2019 nang matapos ang paggawa ng nasabing tulay na bakal. Pinondohan ito ng Php 100,000 mula sa badyet ng barangay.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Junior High, binuksan

ni MANUEL B. FABROS l 160501160003@r3-2.deped.gov.ph Integrated school na! Pormal ng pinagtibay ng DepEd Regional Office III ang...

Halalan ng SPG, isinagawa

ni KIMBERLY R. PAANAN l 160501150029@r3-2.deped.gov.ph Sa kabila ng pandemya, matagumpay na naisagawa ang halalan ng mga bagong...

Comments


bottom of page