ni KIMBERLY R. PAANAN l 160501150029@r3-2.deped.gov.ph
Sa kabila ng pandemya, matagumpay na naisagawa ang halalan ng mga bagong opisyales ng Supreme Pupil Government (SPG) ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS)-Elementary Unit, Oktubre 13.
Ayon sa ulat ng JHMAIS Commission on Election (COMELEC), nahalal si Jhon Ian Romualdo ng Baitang 6 bilang Pangulo at Juby Soler bilang Pangalawang Pangulo.
Nahalal naman bilang Kalihim si Albert Balario na nasa Baitang 6.
Nahalal naman sina Mohaimen Soler bilang Ingat-yaman at si Manuel Fabros bilang Tagasuri, na parehong nasa Baitang 5.
Bilang Protocol Officer, inihalal si Celina De Guzman ng Baitang 4.
Pinili naman bilang Kinatawan ng kani-kanilang mga baitang sina Suzette Balario, Renbel Dela Cruz, at Remalyn Santiago.
"Mahirap maging opisyal ng SPG ngayong pandemya. Hindi ko alam kung paano ipatutupad ang aming mga proyekto dahil hindi kami magkikita-kita at wala ring internet. Ngunit, kailangan pa ring gawin ang aming mga tungkulin,” pahayag ni Romualdo sa panayam ng Ang Kalikasan.
Isinagawa ang halalan ng manwal dahil sa kawalan ng internet.
“Isinagawa ang halalan alinsunod sa minimum health standard na ipinatutupad ng ating paaralan at pamahalaan,” tugon ni Gng. Jo-Ann Ginez, COMELEC Chair sa isang panayam ng Ang Kalikasan.
Comentarios