ni MANUEL B. FABROS l 160501160003@r3-2.deped.gov.ph
Integrated school na!
Pormal ng pinagtibay ng DepEd Regional Office III ang tuluyang pagbubukas ng Junior High School (JHS) sa Sitio Lumibao, Buhawen, San Marcelino, Zambales, simula Agosto ngayong taon.
Ayon kay G. Rommel Paje, ulong guro ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS), tugon ito sa panawagan ng mga magulang na magkaroon ng JHS sa Sitio Lumibao.
“Malayo ang hayskul dito sa Lumibao. Kailangan pang tumawid ng Lawa ng Mapanuepe. Napakadelikado kung tutuusin. At, problema din ang pamasahe sa araw-araw,” sabi ni Paje.
Para kay Gng. Juliefer Esteban, hindi na siya mag-aalala sa kanyang anak na papasok sa hayskul dahil malapit na ito sa kanilang tirahan.
“Natatakot ako kapag umuulan dahil tatawid na naman ang mga bata sa pagpasok sa paaralan. Delikado ang lawa kapag may bagyo at kung masyadong mahangin,” saad pa niya.
Sa kasalukuyan, may kabuuang estudyante mula Grade 7 hanggang Grade 10 ang JHS ayon kay G. Justine Paolo Paje.
“Ginagawa namin ang lahat upang mahikayat pa ang mga nagtapos ng elementarya noon na mag-aral ng hayskul lalo na at mayroon ng JHS dito sa Sitio,” tugon pa niya.
Comments