ni DANLEE M. PAANAN l 160503150015@r3-2.deped.gov.ph
Ikinatuwa ng mga residente ng Sitio Lumibao, Buhawen, San Marcelino, Zambales ang pagbabawal sa mga taga-ibang bayan sa Zambales ang pagtitinda sa palengke ng San Marcelino simula noong Setyembre 13.
Sa nasabing memorandum, ginawa ang pagbabawal upang maiiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Para naman sa mga taga-Lumibao, malaki ang maitutulong nito sa kanilang kabuhayan. Karamihan sa kanila, nagtitinda tuwing Araw ng Palengke ng Miyerkoles at Sabado. Anila, nawawalan sila ng pwesto dahil sa mga dayong nagtitinda.
“Mas mainam na ang ganito kaysa my mga dayo. Minsan, pinapaalis pa kami, pahayag ni Donna Fabros, residente ng Sitio Lumibao at nagtitinda sa palengke sa isang panayam ng Ang Kalikasan.
“At kagandahan pa nito, maiiwasan natin ang pagkalat ng mga sakit na dulot ng COVID-19 medyo kontrolado na,” dagdag pa niya.
Comments