top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Project ODIMEL, tulong sa pag-aaral


Nararapat lamang ang pagpapatupad ng Project Offline Digital and Interactive Modules to Enhance Learning (ODIMEL) ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS) - Elementary Unit ngayong taon.

Sa nakalap na tugon ng pamununuan ng JHMAIS mula sa mga magulang at mag-aaral, marami ang nagkakaroon ng problema sa pagsagot ng mga bata sa kanilang mga modyul.

Sabi pa ng ibang magulang, hindi nila kayang gabayan ang kanilang mga anak dahil sila mismo, hindi naiintindihan ang nilalaman ng modyul. Bukod dito, hindi sila marunong magbasa at magsulat .

Ang ibang magulang, nagbabayad pa ng kahit papaanong may alam upang magkaroon lamang ng sagot ang kanilang mga anak sa kanilang mga modyul, samakatuwid, dagdag gugulin sa badyet.

Para naman sa mga guro, maraming nagugugol na oras ang pag-iimprenta ng mga modyul at napababayaan na ang iba pang mahahalagang gawain.

Mula sa natanggap na mga tablet at on the go adapter (OTG) mula sa Schools Division of Zambales (SDO) kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales, gumawa agad ng kongkretong plano ang JHMAS upang makaagapay sa blended learning at malunasan ang mga kinakaharap na problema ng printed modular learning.

Naisipang ang pagpapatupad ng Project ODIMEL dahil ayon sa isinagawang pag-aaral ng mga eksperto, nakatutulong ang offline dgital at interactive na modyul sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng mga tablet at OTG, maaari nang mapanood ng mga mag-aaral ang mga episode sa DepEd Television na magsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa pagsagotsa kanilang mga modyul. Maaaring i-download ng mga guro ang mga episode na ito at ilalagay sa OTG o kaya sa mga tablet.

Bukod sa mga episode ng DepEd TV, maaari ring gumawa o mag-download ng mga palabas na may kinalaman sa pagsasanay ng tamang pagbasa at pagbilang.

Sa pamamagitan ng Project ODIMEL, matutulungan nito ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang upang mas maintindihan ang kanilang mga aralin. Samakatuwid, magkakaroon ng pagkatuto.

Magiging aktibo rin ang mga bata sa pag-aaral dahil mas makatotohanan ang kanilang nakikita kaysa sa mga printed modyul.

Nababawasan din ang oras ng mga guro sa pg-iimprenta ng mga modyul at mas napagtutuunan ang ibang aspeto ng pagkatuto tulad ng pagbasa, pagsulat at pagbilang.

Wala ng dahilan para ipagpatuloy ang ating pag-aaral dahil mayroon ng mga ibang pagpipilian na paraan ng ating pagkatuto tulad ng Project ODIMEL. Bilang mga kabataan, tungkulin nating ipagpatuloy ang pagkalap ng mga karunungan at kasanayan para sa ating kinabukasan.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Gawin ang iyong bahagi

ni ROMMEL C. PAJE l rommel.paje@deped.gov.ph Natupad na ang matagal na kahilingan ngmga magulang at residente ng Sitio Lumibao,...

Kung nasa tuktok ng tagumpay

ni JUBY S. SOLER l 160501160013@r3-2.deped.gov.ph Hindi madali ang daan patungo sa tugatog ng tagumpay at hindi rin madali kapag naroon...

Saloobin sa pag-aaral

ni MANUEL B. FABROS l 160501160003@r3-2.deped.gov.ph Pumapasok sa paaralan ang mga mag-aaral dahil gusto nilang matuto ng mga kaalaman...

Comentarios


bottom of page