top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Programang WinS, NEDP, pinaigting

ni Grigor S. Rodolfo l 160501160002@r3-2.deped.gov.ph


PARA SA KAALAMAN. Buong galak na tinanggap ni Gng. Wennie Linggay (kaliwa) ang leaflet ng impormasyon ukol sa ipinagbabawal na gamot mula kay Gng. Jo-ann Ginez (kanan). Paraan ito nang mabigyang kaalaman ang mga taga-Lumibao ukol sa masamang epekto ng droga. (Larawan ni Jinkee Pangilinan)

Layuning mapatatag ang mga programa, proyekto, at polisiyang pangkalusugan, pinaigting ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS) - Elementary Unit ang pagpapatupad ng Water, Sanitation and Hygiene (WASH) in Schools (WinS) at National Drug Education Program (NDEP) simula Setyembre 6.

Pakikiisa ito sa 2021 One Week Health Celebration at Oplan Kalusugan sa DepEd(OK sa DepEd) ng kagawaran.

Sa isang panayam kay Bb. Jinkee Pangilinan, Health Coordinator, naglalayong mabigyan ng mahusay na serbisyong pangkalusugan ang mga mag-aaral, magulang, at mga guro ng paaralan.

“Napakahalaga ng mga programang ito lalo na at nasa ilalim tayo ng pandemya. Dapat siguruhing malusog at ligtas ang paaralan,” dagdag pa ni Pangilinan.

Sa nasabing programa, pinagtuunan ng pansin ang pinahusay na pagpapatupad ng WinS at NDEP.

Ayon kay Gng. Jo-Ann Ginez, WinS Coordinator, dapat maging handa ang JHMAIS laban sa banta ng corona virus.

“Dapat mayroong mapagkukunan ng malinis na tubig and paaralan. Hindi rin tayo dapat nawawalan ng hand sanitizers at germicidal soap. Higit sa lahat, dapat alam natin ang wastong paghuhugas ng mga kamay para maiiwasan natin ang mga sakit na dulot ng COVID-19”, dagdag niya.

Ayon naman kay Pangilinan, pinaigting rin ng JHMAIS ang ganap na pagpapatupad ng NDEP.

“Binuo ang NDEP upang magkaroon ng kamalayan ang mga kabataan ukol sa masamang epekto ng mga ilegal na droga,” sabi pa niya.

“Sa tulong din ng mga kabataan, malaki ang tyansa na masusugpo natin ang paggamit ng iligal na droga at tuloy maiwasang magumon ang mga kabataan dito,” dagdag pa ni Pangilinan.

Kasama sa mga aktibidad ng NDEP ang symposium sa tulong ng Supreme Pupil Government (SPG) at ang pagkakaroon ng mga information drive.

“Mayroon kaming inihandang mga leaflet, naglalaman ng mga impormasyon ukol sa iligal na droga. Ipamamahagi ito sa mga magulang ,” wika ni Pangilinan sa isang panayam.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Junior High, binuksan

ni MANUEL B. FABROS l 160501160003@r3-2.deped.gov.ph Integrated school na! Pormal ng pinagtibay ng DepEd Regional Office III ang...

Halalan ng SPG, isinagawa

ni KIMBERLY R. PAANAN l 160501150029@r3-2.deped.gov.ph Sa kabila ng pandemya, matagumpay na naisagawa ang halalan ng mga bagong...

Commentaires


bottom of page