top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Pangarap sa aking kaarawan

ni REMALYN R. SANTIAGO l 160501140005@r3-2.deped.gov.ph


Kaarawan ko ngayon. Labing-isang taong gulang na ako. Lagi kong isasaisip na may kaakibat na responsibilidad ang lahat ng aking mga ginagawa.

Maswerte pa rin ako kaysa sa ibang mga bata dito sa Sitio Lumibao lalo na ngayong pandemya

Masakit sa kalooban na makita ang ibang mga bata na nahihirapan sa kanilang pag-aaral dahil walang tumutulong sa kanila sa pagsagot sa mga modyul. Hindi rin kasi nakapag-aral ang ibang mga magulang.

Ang iba, tumutulong sa bukid upang makatulong sa gastusin sa pamilya.

Marami rin ang nagtatrabaho nang mabibigat. Walang pagpipilian dahil hindi maaaring lumabas ng bayan.

Gusto ko nang pumasok sa paaralan. Gusto ko nang makita ang aming mga guro. Gusto ko nang makita ang aking mga kaklase at kaibigan upang sabay- sabay kaming mag-aral, maglaro at maging masaya.

Kaya ngayong kaarawan ko, gusto ko nang tuluyang mapuksa ang corona virus. Gusto ko nang bumalik sa normal ang ating buhay - nakakapunta kung saan naisin at pumasok sa paaralan.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page