ni KIMBERLY R. PAANAN l 160501150029@r3-2.deped.gov.ph
Isa ka ba sa naging benepisyaryo ng Project Offline Digital and Interactive Modules to Enhance Learning (ODIMEL) ng JHMAIS?
Kung oo ang sagot mo, maswerte ka dahil mapapanood mo sa ibinigay na tablet ang mga video ng aralin mula sa Department of Education Television (DepEd TV).
Hindi kaila sa mga benepisyaryo ang mabuting naidulot nito sa kanilang pag-aaral. Nagsisilbi itong gabay sa pagsagot ng kanilang mga modyul lalo na sa asignaturang English, Mathematics, at Science.
Ipinatupad ang Project ODIMEL bilang tugon sa programang Sulong Edukalidad ng Kagawaran ng Edukasyon.
Suporta din ito ng programang blended learning ng DepEd Schools Division of Zambales.
Atin pang alamin kung paano nakatulong sa kanilang pag-aaral ang Project ODIMEL.
Comments