top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Pampalipas ng oras

ni DANLEE N. PAANAN l 160503150015@r3-2.deped.gov.ph


Sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), nanatili sa loob ng bahay ang mga JHMAISian. Dahil sa kawalan ng internet, gadget at kuryente sa Sitio Lumibao, hindi maikakaila na marami sa kanila ang nabagot.

Ngunit mas marami ang ginawang kapaki-pakinabang ang ECQ habang nasa kanilang tahanan. Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag kung ano ang kanilang pinagkaabalahan habang may quarantine.

“Naging plantita ako dahil sa pandemya. Mayroon akong mga koleksyon ng mga halamang ornamental. Ibinebenta nga ni Indo sa palengke at binibigyan niya ako ng pera. Naging negosyante ako bigla.”

- Kimberly Paanan, Baitang 6

“Tumutulong ako sa bukid sa pagtatanim tuwing hapon pagkatapos kong mag-modyul. Dahil dito, nagiging abala ako.”

-Kevin Dela Cruz, Baitang 5

“Panonood ng pelikula, paglalaro sa cellphone, at siyempre, tumutulong ako sa mga gawaing bahay.”

-April Yurik, Baitang 4

“Tumutulong akong magwalis sa bakuran pagkatapos magsagot sa modyul. Maglaba? Naku, Kuya! Bata pa ako para maglaba ng kumot at kurtina.”

-Rachel Romualdo, Kinder

“Bawal lumabas pero pumupunta kami sa lawa upang maligo at mamingwit. Nakakainip sa bahay kaya.”

-Gesas Balario, Baitang 3

“Tumutulong ako kina Ate na alagaan iyong mga tanim nila. Mga plantita kasi. Pero siyempre, magsagot muna sa modyul.”

-Alejandro Romualdo, Baitang 3

“Tagapastol ako ng kalabaw namin. Buntis kasi tulad ng kapitbahay namin. Ewan ko ba kung bakit sumabay iyong kalabaw. Mga kuya ko kasi may mga pamilya na. Bukod diyan, tagapag-alaga din ako ng kambing at manok.”

-Mercy Balario, Baitang 6

“Tumutulong ako kina Indo at Bapa sa pag-aayos ng kanilang mga paninda na dadalhin sa Olongapo, Iba, at Castillejos. Pagkatapos, tumutulong ako sa mga gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng plato at pagdidilig ng halaman.”

-Albert Balario, Baitang 6

“Pagkatapos mag-modyul, tinutulungan ko sina Ate at Nanay na ayusin iyong paninda nila tuwing Martes at Biyernes. Nagtitinda kasi sila tuwing Araw ng Palengke. Nag-aalaga din ako ng mga halamang namumulaklak.”

-Mary Joy Balario, Baitang 4

“Naglalaro kami ng mga kapatid, pinsan, tita, at tito pagkatapos mag-modyul. Siyempre, tumutulong din akong magwalis sa paligid.”

-Lovely Jean Barron, Baitang 1

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Gawin ang iyong bahagi

ni ROMMEL C. PAJE l rommel.paje@deped.gov.ph Natupad na ang matagal na kahilingan ngmga magulang at residente ng Sitio Lumibao,...

Kung nasa tuktok ng tagumpay

ni JUBY S. SOLER l 160501160013@r3-2.deped.gov.ph Hindi madali ang daan patungo sa tugatog ng tagumpay at hindi rin madali kapag naroon...

Comentários


bottom of page