top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Offline enrolment, isinagawa

ni DANLEE N. PAANAN l 160503150015@r3-2.deped.gov.ph


PINDOT LANG. Sa tulong ni G. Jemson Ferido (kaliwa), buong tiyagang siagutan ni Gng. Liza Lasap (kanan) ang digital offline enrolment form na nasa cellphone. Ginamit ito bilang tulong sa mga magulang na hindi marunong magbasa at sumulat.

(Larawan ni Rhea Joy S. Duhaylungsod)

Para makapagbigay ng mas madaling paraan, ipinatupad ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS) ang paggamit ng offline digital enrolment form ngayong taon.

Sa panayam ng Ang Kalikasan kay Gng. Jo-Ann Ginez, enrolment focal person, inihayag niya na JotForm ang ginamit upang maisagawa ang offline digital enrolment.

“Madaling gamitin, libre at gumagana kahit walang internet ang JotForm, kaya akma ito sa JHMAIS,” saad pa niya sa Ang Kalikasan.

Unang ginamit ang JotForm noong Agosto 16 na kung saan mayroong 16 na magulang ang nagsagot dito.

“Hindi ko alam magbasa at magsulat. Mas mainam ito dahil pinipindot lang,” pahayag ni Gng. Liza Lasap, isang magulang.

Sa nasabing pagpapatala ng mga mag-aaral, karamihan ng mga magulang ang pumili ng printed modules bilang paraan ng pagkatuto.

“Wala kaming cellphone o computer sa bahay. Hindi namin kayang bumili ng mga ito. Wala ring kuryente. Printed modules lang ang pwede sa amin,” saad ni Gng. Wennie Linggay, magulang sa Lawak Bangar, sa isang panayam ng Ang Kalikasan.


0 views0 comments

Recent Posts

See All

Junior High, binuksan

ni MANUEL B. FABROS l 160501160003@r3-2.deped.gov.ph Integrated school na! Pormal ng pinagtibay ng DepEd Regional Office III ang...

Halalan ng SPG, isinagawa

ni KIMBERLY R. PAANAN l 160501150029@r3-2.deped.gov.ph Sa kabila ng pandemya, matagumpay na naisagawa ang halalan ng mga bagong...

Commentaires


bottom of page