top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Mga tsika ni Aling Jubang

ni JUBY S. SOLER l 160501160013@r3-2.deped.gov.ph


Hello mga gay-yem kakabsat. Nandito naman ang inyong magandang ate, ang inyong minamahal na Aling Jubang! Magbibigay na naman nang pinakasariwang tsika o balita tungkol sa ating paaralan.

Hirap ng sitwasyon nating ngayon mga kakabsat. Dahil ito kasi sa pandemya. Marami sa atin ang nasa bahay lang. Hindi makalabas.

Ngunit sa kabila ng pandemya, marami pa rin tayong tsika. Mawawala na ang aking pera ngunit ang mga tsika, naku, hinadi mawawala!

Mainit na pinag-uusapan ang pagkakaroon ng malinis na pangangatawan upang maiwasan ang corona virus.

Ngunit, hindi na bago ang malinis na katawan sa mga JHMAISian.

Kaya ang itsitsika ko sa inyo, iyong mga JHMAISian na aydol namin kung kalinisan sa katawan ang pag-uusapan. Halina kayo, simulan na natin mga kakabsat.

Unahin natin ang batang ito. Sus! Noong may face-to-face class pa, napakalinis ng batang ito. Laging nakapulbo. Akala mo, dalaga na si Ineng. Ngayon, nasa Baitang 3 na ang magandang batang ito.

Kilala ninyo na ba siya? Ano! hindi ninyo alam. Basta, hindi ninyo malalaman na T.B. ang inisyal niya. Itanong ninyo na lang kay Teacher Jinkee.

Ito namang susunod, nasa Grade 4 na siya. Malinis din ang batang ito sa katawan. Alaga kasi siya ni Indo. Wika nga nila, laging fresh kasi dalawang beses maligo sa isang araw.

Alam na ninyo siguro kung sino siya. Hindi daw? kahit pilitin ninyo ako, hindi ko sasabihin na siya si G.B. Bahala kayong manghula.

O, ito na ang susunod. Alam ninyo ito. Oo nga! Kilalang-kilala ninyo siya. Siya lang naman ang laging naka-gel ang buhok kapag pumapasok noong may face-to-face classes pa.

O, ano, kilala ninyo na siya? Nye! Kailangan pa ng clue? Basta, hindi ninyo malalaman na siya si M.F. at nasa Baitang 5 na siya.

Itong panghuli, sikat na sikat siya sa JHMAIS. Sabi ng mga tao, siya daw ang pinakamagandang guro ng paaralan. Lagi kasi siyang naka-lipstick. Kilala ninyo na ba ang tinutukoy ko?

Hindi pa? Halla, madali na ngang hulaan eh! Bawal sabihin na siya si J.G.

Paano mga kakabsat, sa susunod ulit. Tandaan lang natin na ang pangunahing sandata natin laban sa coronavirus ang ang ating kalinisan sa katawan. Kaya ugaliin nating maligo, kumain ng masusustansya at magghugas ng mga kamay palagi. Babay!

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page