Mga Tanaga
- Judd Hendricks MAIS
- Nov 16, 2021
- 1 min read

Ang Ibon
ni MANUEL B. FABROS l
160501160003@r3-2.deped.gov.ph
Ibong sobrang ganda.
Nakadapo sa sanga,
Umaawit lagi na,
Nang maging masaya ka.

Ang Paruparo
ni KIMBERLY R. PAANAN l
160501150029@r3-2.deped.gov.ph
Paruparo sa parang,
Animo’y lumulutang,
Kapag iyong namasdan,
Kalooba’y gagaan.

Si Mambo
ni ALBERT C. BALARIO l
160501150016@r3-2.deped.gov.ph
Ang aso kong si Mambo,
Totoong matalino,
Paborito ay buto,
Mahilig maglaro.








Comments