ni REMALYN. SANTIAGO l 160501140005@r3-2.deped.gov.ph
May temang Adapting for Sustainable Future, nakatakdang dumalo ang mga opisyal ng Youth for Environment in Schools - Organization (YES-O) ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS) - Elementary Unit simula Nobyembre 5 hanggang Disyembre 15.
Ayon kay G. Cliffton Jayma, Tagapayo ng YES-O, layunin ng webinar na magkaroon ng kamalayan ang mga opisyal patungkol sa mga isyung pangkapaligiran ng Pilipinas.
Dagdag pa niya, layunin din nito na malaman ang tungkulin ng mga kabataan upang pangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman.
Sa panayam kay Kimberly Romualdo, ang Pangulo ng YES-O, napapanahon ang webinar lalo na may mga isyung pangkapaligiran din ang kanilang Sitio.
“Nakakalimutan na minsan ng mga kabataan dito sa Sitio na pangalagaan ang ating kapaligiran. Nararapat lamang na dumalo kami sa webinar na ito upang mas magkaroon pa tayo ng kaalaman sa mga isyung ito at makahanap ng solusyon,” aniya pa sa isang panayam.
Ayon sa ulat ng YES-O, may anim na opisyal ang nagparehistro upang dumalo sa nasabing webinar.
Comments