top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Mga CJ ng The Nature, Ang Kalikasan, hinirang

ni GRIGOR S. RODOLFO l 160501160002@r3-2.deped.gov.ph


PANGAKO. Nanumpa ng Katapatan sa Tungkulin si Manuel Fabros matapos italaga bilang Pangalawang Punong Patnugot ng Pahayagan ng JHMAIS matapos maipasa ang pagsusulit. Ginawa ang Panunumpa sa kanilang tahanan. (Larawan ni Grigor S. Rodolfo)


Matapos ang masusing pagsisiyasat, nahirang na ang mga bagong campus journalist ng The Nature at Ang Kalikasan, mga opisyal na pahayagan ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAS) - Elementary Unit, Setyembre 27.

Sa panayam ng Ang Kalikasan kay G. Jemson Ferido, tagapayo, ng parehong pahayagan, dumaan sa pagsusulit ang mga interisadong JHMAISian upang maging parte ng mga nasabing pahayagan.

“Ang pagsusulit ang ginawa naming basehan upang malaman kung sino-sino ang karapat-dapat na maging bahagi ng pamatnugutan,” dagdag pa ni Ferido.

Sa nasabing pagsusulit, siyam na mag-aaral ang nakapasa.

Batay sa resulta, binubuo ito nina Jhon Ian Romualdo, Juby Soler, Kimberly Romualdo, Albert Balario, Remalyn Santiago, Danlee Paanan, Manuel Fabros, Grigor Rodolfo at Mohaimen Soler.

“Mahirap ang pagsusulit. Hindi ko alam kung paano gumawa ng magandang talata. Pero sabi naman ni Teacher, mas mahalaga ang nilalaman kaysa sa ganda ng mga salita,” wika ni Albert Balario, ang itinalagang editor ng mga lathalain.

Para kay Juby Soler, pangarap na natupad ang maging bahagi ng pamatnugutan ng pahayagan.

“Naging manunulat ang dalawang kuya ko at isang ate sa ating pahayagan noong nag-aaral pa sila dito sa JHMAIS. Gusto ko ring maging katulad nila na magsulat sa ating pahayagan at maibahagi ang aking kakayahan,” sabi ni Juby Soler, itinalagang punong patnugot.

Ginawa ang panunungkulan matapos lumabas ang resulta sa pagsusulit sa kani-kanilang tahanan ang mga campus journalist.

Pinangunahan ito ni G. Jemson Ferido, ang nakatalagang guro sa pahayagan.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Junior High, binuksan

ni MANUEL B. FABROS l 160501160003@r3-2.deped.gov.ph Integrated school na! Pormal ng pinagtibay ng DepEd Regional Office III ang...

Halalan ng SPG, isinagawa

ni KIMBERLY R. PAANAN l 160501150029@r3-2.deped.gov.ph Sa kabila ng pandemya, matagumpay na naisagawa ang halalan ng mga bagong...

Comments


bottom of page