top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Maglibang. Magbasa. Matuto; Paborito kong kwento

ni JHON IAN E. ROMUALDO l 160501150022@r3-2.deped.gov.ph


MAGLIBANG. Sa nakalap na datos ng Ang Kalikasan, paborito ng karamihan ng mga JHMAISian ang kwentong Juan Tamad. Ayon sa kanila, nakakaaliw at marami silang natututunan sa kwento.

Ngayong pandemya, maraming mga mag-aaral ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS) - Elementary Unit ang nahilig sa pagbabasa. Paano ba naman kasi, walang gadget, internet signal at kuryente ang marami sa kanila.

Nagsagawa ng sarbey ang Ang Kalikasan tungkol sa paborito nilang binabasang kwento.

Sa nasabing sarbey, mayroong 90 na JHMAISian ang sumagot sa tanong na “Tuwing libre ang iyong oras, anong kwento ang paborito mong basahin?”.

Nasa 31 na JHMAISian ang nagsabing paborito nila ang kwentong Juan Tamad.

Sabi ng isang respondent, nakakaaliw at marami ka daw matututunan sa kwento.

Dagdag pa ng isa, ipinapakita lamang ng kwento ang totoong pangyayari kung tamad ang isang tao.

Sinundan ito ng Alamat ng Saging na may 19 na nagsabing paborito nila ang kwentong ito.

“Paborito ko kasing prutas ang saging. Gusto ko kasing malaman kung saan ito nagmula. Alam ko naman na hindi totoo ang kwento pero marami akong aral na natututunan sa kwentong ito tulad ng pagtulong sa kapwa,” sagot ng isang respondent

Pangatlo naman ang Alamat ng Pinya kung saan 11 sa mga JHMAISian ang nagsabing gustong-gusto nila ang kwentong ito.

Makikita sa grap sa itaas ang iba pang kwentong paboritong basahin ng mga JHMAISIan tuwing libre ang oras nila.

Kaya kaibigan, ano pa ang hinihintay mo? Halinang maglibang, magbasa, at matuto.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page