top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Katapatan sa panahon ng pandemya

ni MOHAIMEN P. SOLER l 160501160004@r3-2.deped.gov.ph


Isang malaking pagbabago ang idinulot ng pandemya sa paraan ng pag-aaral ng mga bata. Nang ipatupad sa bansa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), ipinagbawal ang face-to-face classes at ipinalit ang modular distance learning.

Pinili ng mga magulang ang printed modules bilang paraan ng pagkatuto ng kanilang mga anak.

Sa tahanan, naging katuwang ng mga mag-aaral ang kanilang mga magulang sa pagsagot ng mga pagsasanay na nakapaloob sa modyul.

Isa sa nakitang problema ang hindi kayang gabayan ng mga karamihan ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil hindi sila nakapag-aral.

Kung kaya man ng magulang ang kanilang mga anak, sila na mismo ang sumasagot sa mga modyul.

Bagamat nasa tahanan, mahalaga pa din ang pagkakaroon ng katapatan lalo na sa pagsagot sa mga modyul.

Nawawalan ng katapatan ang isang mag-aaral kung kinokopya niya na lamang ang sagot mula sa Susi ng Pagwawasto sa likod ng modyul.

Hinahayaan niya na rin ang kaniyang magulang na ang sasagot sa mga pagsasanay.

Hindi masama na suportahan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral subalit gawin ito sa tamang paraan.

Hindi rin masama na hindi lahat nasasagutan ng mga mag-aaral ang pagsasanay sa mga modyul.

Ang mahalaga, mayroong mga natutunan na kaalaman at kasanayan na kailangan sa kanilang buhay.

Walang sinabi ang mga guro na kailangang tama lahat ang mga sagot sa modyul. Mas mainam nang mali kaysa tama nga, kinopya naman.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Gawin ang iyong bahagi

ni ROMMEL C. PAJE l rommel.paje@deped.gov.ph Natupad na ang matagal na kahilingan ngmga magulang at residente ng Sitio Lumibao,...

Kung nasa tuktok ng tagumpay

ni JUBY S. SOLER l 160501160013@r3-2.deped.gov.ph Hindi madali ang daan patungo sa tugatog ng tagumpay at hindi rin madali kapag naroon...

Comments


bottom of page