ni ALBERT C. BALARIO l 160501150016@r3-2.deped.gov.ph
Buksan na ang face-to-face classes.
Ito ang lumabas na kasagutan ng mga magulang at mag-aaral ng Judd hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS) sa isinagawang sarbey ng Ang Kalikasan, Nobyembre 5.
Sa katanungang “Nais mo na bang mag-aral sa paaralan ang iyong mga anak?”, maraming magulang ang pumayag ayon sa panayam kay Gng. Jo-Ann Ginez, enrolment focal person.
“Maraming pumili ng face-to-face kahit limitado man. Mas mainam daw ito kaysa sa modular learning,” saad niya.
Sabi naman ng isang respondent, nahihirapan na siyang gabayan ang kaniyang anak sa pagsagot ng modyul lalo na at hindi siya marunong bumasa at sumulat.
Saad naman ni G. Rommel Paje, kombinasyon ng face-to-face, printed modules, at offline digital modules kung papayagan man ito.
Isinagawa ang sarbey sa panahon ng muling pagbubukas ng face-to-face classes sa mga piling lugar dito sa Pilipinas.
Comments