ni MOHAIMEN P. SOLER l 160501160004@r3-2.deped.gov.ph
MASARAP AT MASUSTANSIYA. Isa ang Yummy Labong Balls sa itinampok na pagkain sa pagdiriwang ng 2021 Nutrition Month Celebration noong Hulyo. (Larawan ni Mohaimen Soler)
Sa ginanap na pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon noong Hulyo, itinuro ng isang magulang ang paggawa ng Yummy Labong Balls.Masustansiya at masarap ito. Halina at subukin mong gawin.
Mga Sankap:
· 1 kilong labong, nahiwa ng pino
· 1 kilong arina
· 1/4 kilong carrots, nahiwa ng pino
· 5 paketeng pamintang durog
· 5 pirasong sibuyas, tinadtad
· 2 ulo ng bawang, tinadtad
· 1/8 kilong tokwa, hiniwa ng maliliit
· 1/2 tasang mantika
· asin
· 1/4 tasang banana catsup
· 1/2 tasang mayonnaise
Paraan:
1. Paghalu-haluin ang mga labong, carrots, sibuyas, bawang, paminta, tokwa, at asin. Iprito hanggang maging golden brown.
2. Paghaluin ang banana catsup at mayonnaise upang magsilbing dipping sauce.
3. Ilipat sa lagayan angmgabola-bola at dipping sauce. Ihain ito at mag-enjoy kasama ng buong pamilya.
Comments