top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Ginto para sa mga Pilipino

ni JEMSON L. FERIDO l jemson.ferido001@deped.gov.ph


Matapos ang halos isang daang taon ng paghihintay, nakamit na sa wakas ang inaasam na ginto sa Olympics ng ating bansa. Maraming mga Pilipino ang walang pagsidlan ang kasiyahan kabilang na ang mga JHMAISian.

Sa nakaraang Tokyo Summer Olympics, nakopo ni Hidilyn Diaz, isang weightlifter, ang ginto.

Sa kauna-unahang pagkakataon, iwinagayway ang watawat ng Pilipinas at tinugtog ang Lupang Hinirang.

Sa kaniyang pagkapanalo, hinirang siyang bayani sa larangan ng isports.

Ayon sa panayam ng The Guardians, umaasa siya na magiging inspirasyon siya ng mga Pilipino sa pag-abot ng kanilang mga pangarap anumang hirap ang dumating.

Naging pagsubok kay Hidilyn ang pandemya, mula sa kakulangan ng pondo at kakailanganing bakuna.

Ngunit hindi siya nagpatinag sa mga pagsubok. Nagbigay pa ito lalo ng lakas ng loob na lumaban at kamtin ang inaasam na gintong Medalya.

Ngayong panahon ng pandemya, nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino ang pagkapanalo ni Diaz.

Sa kabila ng mga problemang kinahaharap ng bansa, mayroong isang Diaz na nagpaalala na sa likod ng pandemyang ito, mayroon pa ring magandang pangyayari ang maaaring matamo ng bawat isa.

Kaisa ng mga Pilipino, nagbubunyi ang JHMAISian sa pagkapanalo ni Diaz at pagsuporta sa kaniyang mga labang tatahakin sa hinaharap.

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Gawin ang iyong bahagi

ni ROMMEL C. PAJE l rommel.paje@deped.gov.ph Natupad na ang matagal na kahilingan ngmga magulang at residente ng Sitio Lumibao,...

Kung nasa tuktok ng tagumpay

ni JUBY S. SOLER l 160501160013@r3-2.deped.gov.ph Hindi madali ang daan patungo sa tugatog ng tagumpay at hindi rin madali kapag naroon...

Comentarios


bottom of page