top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Feeding Program, nakatulong nga ba?

ni ALBERT C. BALARIO l 160501150016@r3-2.deped.gov.ph


PARA SA BATA. Tinanggap ni Gng. Diana Urbano (kanan) ang mga pagkain mula kay G. Jemson Ferido (kaliwa) para sa kaniyang limang anak na bahagi ng SBFP ng JHMAIS. Paraan ito upang mas maging malulusog ang mga bata. (Larawan ni Jo-Ann Ginez)

Upang mabigyan ng tamang nutrisyon ang mga mag-aaral ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS- Elementary Unit, patuloy na ipatutupad ang School-Based Feeding Program (SBFP) ngayong taon.

Ayon sa DepEd, nasa 70% ang sasailalim na severely wasted at wasted na mga bata upang makamit ang normal na status ng kanilang Body Mass Index (BMI).

Simula ng magkaroon ng pandemya, tumanggap ng mga prutas, tinapay at gatas ang mga benepisyaryo.

Sabi ng DepEd sa isang press release, magpapamahagi ang ahensya ng pasteurized na gatas upang maging malusog ang mga bata.

Makatutulong din diumano ang SBFP sa paaralan at sa pagkalahatang pag-aaral ng mga bata

Ayon sa pananaliksik ni Dr. Jose Ramon Albert ng Philippine Institute of Developmental Studies (PIDS), nakatulong ang SBFP upang matugunan ang pangkalusugang aspeto ng mga benepisyaryo upang maging normal ang kanilang BMI kumpara sa mga hindi kabilang sa SBFP.

Aniya pa, natututunan ng mga benepisyaryo ang tamang paghuhugas ng mga kamay na malaking tulong upang maiiwasan ang mga sakit.

Ngunit napansin din niya na may mga problema tungkol sa SBFP tulad ng kawalang ng pamantayan sa pagtitimbang at kakulangan sa pagsubaybay.

Mayroon mang problema, ipinapatupad pa rin ng DepEd at JHMAIS ang SBFP dahil paraan ito upang maiiwasan ang madalas na pagliban sa klase dahil sa gutom.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Junior High, binuksan

ni MANUEL B. FABROS l 160501160003@r3-2.deped.gov.ph Integrated school na! Pormal ng pinagtibay ng DepEd Regional Office III ang...

Halalan ng SPG, isinagawa

ni KIMBERLY R. PAANAN l 160501150029@r3-2.deped.gov.ph Sa kabila ng pandemya, matagumpay na naisagawa ang halalan ng mga bagong...

Comentarios


bottom of page