top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Fabros, ikaapat sa islogan

ni MOHAIMEN P. SOLER l 160501160004@r3-2.deped.gov.ph


PAKITANG-GILAS. Mahusay na ipinakita ni Manuel Fabros ang kaniyang galing sa paglikha ng islogan sa naganap na 2021 District World IP Day Celebration, Oktubre 19. Layunin ng pagdiriwang na bigyang pugay ang katutubong karunungan ng mga katutubo. Naganap ito sa pamamagitan ng virtual na kompetisyon. (Larawan ni Jemson Ferido)

Isang diwa, isang hangarin, tagumpay ng katutubong karunungan, ipagmalaki, huwag limutin, at paunlarin.

Ito ang islogan ni Manuel Fabros, mag-aaral ng Baitang 5 ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS)-Elementary Unit na nagkamit ng Ikaapat na pwesto sa nakaraang 2021 District World Indigenous Peoples Month, Oktubre 19.

Ayon kay G. Jemson Ferido, gurong tagasanay ni Fabros, siya ang pinili mula sa limang pinagpilian na kakatawan sa JHMAIS.

“Nang makita ng mga hurado ang kanyang islogan, alam na nila kung sino ang kakatawan sa nasabing patimpalak,” saad nito.

Isang araw at gabi lang ang naging pagsasanay ni Fabros bago ang patimpalak.

“Hindi ako pinayagan ni Tatay na sumama sa aking guro. Akala niya, nagbibiro lang ako ngunit pinayagan din ako ng kausapin ito ni Mama,” sabi ni Fabros.

Ginawa ang patimpalak ng virtual at kinukuhanan ng video ang mga kalahok.

“Kahit virtual, kabado pa rin ako. Hindi ako gaanong maka-focus dahil sa mga ingay ng mga motor at tahol ng mg aso,” saad ni Fabros.

“Masyado akong nagtagal sa pagkukulay. Nangalay na ang kamay ko. Ngunit patuloy pa rin ako. ” dagdag pa niya.

Sa oras ng paghuhusga, nakamit ni Fabros ang ikaapat na pwesto.

“Masaya kasi kahit ito ang unang beses na sumali ako, nakamit ko pa din ang Ikaapat na pwesto. Sasali ulit ako kapag mayroon pag ganitong patimpalak,” saad niya.

Karunungan ng mga Katutubong Pamayanan: Limang Daang Taon ng Pagtatanggol at Pagpapayabong, Ipagpatuloy sa Pangalawang Dekada ng Katutubong Edukasyon ang tema ng pagdiriwang.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Junior High, binuksan

ni MANUEL B. FABROS l 160501160003@r3-2.deped.gov.ph Integrated school na! Pormal ng pinagtibay ng DepEd Regional Office III ang...

Halalan ng SPG, isinagawa

ni KIMBERLY R. PAANAN l 160501150029@r3-2.deped.gov.ph Sa kabila ng pandemya, matagumpay na naisagawa ang halalan ng mga bagong...

Comments


bottom of page