top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Brigada Pagbasa, ipinatupad

ni JUBY S. SOLER l 160501160013@r3-2.deped.gov.ph


MAGSANAY TAYO. Seryosong binabasa ni Mohaimen Soler ang kwento mula sa Phil-IRI sa Ilalim ng punong akasya sa kanilang bahay upang mahasa ang kaniyang kasanayan, Oktubre 11. Kabilang si Mohaimen sa #ReadingNeverStops na programang ipinatutupad ng paaralan. (Larawan Juby Soler)

Bilang suporta na paigtingin ang kasanayan sa pagbabasa ng mga mag-aaral, ipinatupad ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS) - Elementary Unit ang Brigada Pagbasa simula Agosto 16.

May temang Bayanihan sa Paaralan, layunin ng proyekto na palakasin ang ugnayan ng mga stakeholder sa paghahatid ng edukasyon kahit sa panahon pa ng pandemya.

“Sa pamamagitan ng Brigada Pagbasa, sigurado tayo na walang batang maiiwan Pagdating sa mga kasanayan sa pagbabasa,” ani Gng. Maricel Cabalar, ang koordineytor sa isang panayam.

Ipinagpatuloy ng JHMAIS ang programa nito noong nakaraang taon na tinatawag na #ReadingNeverStops!

“Kahit may pandemya, dapat ipagpatuloy ang paghasa sa kasanayan sa pagbabasa ang mga bata. Handa kaming mga guro na gabayan ang mga bata kahit may pandemya,” ani Gng.Rhea Duhaylungsod, Reading Coordinator.

Ayon kay G. Jemson Ferido, guro ng Baitang 5, sinimulan na ang pag-iimprenta ng mga babasahin para sa mga bata.

Saad pa niya, bibigyan din ang mga JHMAISian ng reading videos na maaaring uliting panoorin kapag hindi gaanong maintindihan ang kanilang pinanood.

“May ginawa kaming videos upang maging gabay ng mga bata sa pagbabasa. Malaking tulong ito lalo na sa mga magulang na hindi nakababasa atnakasusulat,” saad ni Jinkee Pangilinan, guro ng Baitang 1.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Junior High, binuksan

ni MANUEL B. FABROS l 160501160003@r3-2.deped.gov.ph Integrated school na! Pormal ng pinagtibay ng DepEd Regional Office III ang...

Halalan ng SPG, isinagawa

ni KIMBERLY R. PAANAN l 160501150029@r3-2.deped.gov.ph Sa kabila ng pandemya, matagumpay na naisagawa ang halalan ng mga bagong...

Comments


bottom of page