ni JHON IAN E. ROMUALDO l 160501150022@r3-2.deped.gov.ph
BUMABA. Sa ikatlong taon, bumaba ang bilang ng mga mag-aaral ng JHMAIS ngayong taon. Pangunahing dahilan nito ang paglipat ng ibang paaralan ang ilang mga mag-aaral dahil sa away pamilya na nagsimula noong 2020.
Ayon sa ulat ng Basic Education Information System (BEIS), bumaba ang bilang ng mga mag-aaral ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS) -Elementary Unit ngayong taon.
Sa isang panayam kay G. Jemson Ferido, Coordinator ng BEIS, pangunahing dahilan ng pagbabang ito ang paglipat ng tirahan ng mga mag-aaral dahil sa problema sa pamilya.
“Dahil sa away pamilya, mas ninais ng mga magulang na tumira na lang sa ibang lugar upang makaiwas sa gulo,” dagdag pa ni Ferido.
Isa rin sa dahilan ang hindi kayang gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagsagot sa modyul.
“Ako mismo, hindi ako nakapag-aral kaya nahihirapan akong turuan ang aking anak. Hindi ko rin maintindihan ang mga aralin. Kung talagang hindi niya na kaya, malaya naman siya kung titigil muna at magpatuloy na lang kung may face-to-face classes,” sabi ng isang magulang sa isang panayam.
Ngayong taon, may kabuuang 105 na mag-aaral ang nagpatalo, mas mababa ng 0.9%. Nasa 62 dito ang lalaki at 43 naman ang babae.
Ito ang ikatlong taon na sunod na taon na bumababa ang bilang ng nagpatala.
Comments