ni JHON IAN E. ROMUALDO l 160501150022@r3-2.deped.gov.ph
Kaagapay ng mga miyembro ng Philippine Army (PA) na nakatalaga sa Sitio Lumibao, Buhawen, San Marcelino, Zambales, nagsagawa ng mini-symposium tungkol sa illegal na droga ang mga opisyal ng Supreme Pupil Government (SPG) ng Judd Hendricks Memorial Aeta Integrated School (JHMAIS) - Elementary Unit, Nobyembre 4.
Sa nasabing symposium, nagsilbing tagapagsalita si G. Aldrin Flores at Ipinaliwanag ang masamag epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Binigyang diin din niya na maaaring maparusahan sa batas ang sinumang taong mapatunayan na gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Matapos ang Pagtalakay, binigyang pagkakataon ang mga opisyal ng SPG upang magtanong tungkol sa paksa.
“Madami akong natutunan lalo na sa tinatawag na mga drogang gateway. Akala ko, marijuana at shabu lang ang nakakaadik na droga, iyon pala, marami,” wika ni Celina De Guzman, ang Protocol Officer sa isang panayam matapos ang symposium.
“May mga bagong kaalaman na naman akong natutunan. Pag mali ang paggamit ng gamot, maaari pala itong makaadik,” pahayag naman ni Renbel Dela Cruz, Kinatawan ng Baitang 5.
Tumanggap ng Sertipiko ng Pagkilala ang mga miyembro ng PA matapos ang Symposium.
Pinangunahan ito ni Gng. Aiza Ramirez, Tagapayo ng SPG sa pagsubaybay ni G. Rommel Paje, ulong guro ng JHMAS.
Comments