top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Sulot-ginto, itinuturing na gamot

ni MANUEL B. FABROS l 160501160003@r3-2.deped.gov.ph


Ordinaryong puno lamang ang Sulot-Ginto kung ituring. Hindi ngaito kilala ng mga tagabayan dahil wala naman ito sa kanila. Ngunit para sa mga Ayta Mag-indi ng Sitio Lumibao, may pakinabang din ang punong ito bukod sa inaakala ng iba.

Maraming puno ng sulot-ginto sa Lumibao. Namumulaklak ito sa panahon ng tag-araw. Kulay lila ang bulaklak nito.

Ayon kay G. Beth Balario, isang magulang at matagal nang gumagamit ng sulot-ginto bilang herbal na gamot, tumataas mula 10 hanggang 20 metro ang puno ngunit hindi ganoon kalalaki ang puno at sanga.

“Malalago ang mga dahon ng puno na akala motulad ng sa banaba. Sa katunayan, napagkakamalan ko nga itong banaba,” dagdag pa ni Balario.

Sa mga taga-Lumibao, ginagamit bilang pangunang lunas ang sulot-ginto sa sakit ng tiyan at pagtatae.

Ayon sa matatanda, dinidikdik ang mga dahon ng sulot-ginto at itinatapal sa tiyan upang maalis ang pananakit nito at pagtatae.

“Bukod dito, ginagamit din ito bilang gamot sa pangangati ng balat. Itinapal lamang ang dahon sa makating balat. Pangunang lunas ito lalo na malayo ang bilihan ng gamot dito sa amin,” paliwanag ni Balario.

Naniniwala ang mga taga-Lumibao na marami pang benepisyo ang sulot-ginto para sa kalusugan kaya kanila itong inaalagaan.

Patuloy din ang iba sa pagtatanim nito upang dumami pa.

Hanggang ngayon, pinag-aaralan pa ng mga herbalist ang mga benepisyo ng sulot-ginto.

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page