ni KIMBERLY R. PAANAN l 160501150029@r3-2.deped.gov.ph
Masaya na namang muling pinanonood ng mga taga-Sitio Lumibao ang mga ibong masisiglang lumilipad at ang mga nasa tabing lawa na humahanap ng pagkain simula Agosto.
Ayon sa pananaliksik ng Ang Kalikasan, kabilang sa mga ibong muling dumalaw ang mga pelican, stork, plover, heron, at crane.
Mayroon ding mga ibang hindi kilala ng mga residente.
“Gustong-gusto kong panoorin ang mga ibon lalo na iyong ibong akala mo, may sinsing sa leeg,” wika ni Melo Romualdo, mag-aaral ng Baitang 5, habang itinuturo ang ibon.
Batay sa pag-aaral ng Westland, lumilipat ang mga ibon dahil sa napakalamig na panahon at upang makahanap ng mga pagkain.
Naglalagi ang mga ibon ang isang ibon sa isang lugar kapag sagana sa makukuhang pagkain at hindi naiistorbo sa kanilang pagdalaw.
“Pangalawang taon na ito. Palatandaan lamang na marami silang makakuha dito sa lawa. Sa susunod, baka mas maraming ibon ang dadalaw dito at kailangan silang bantayan,” wika ni G. Mario Pabalan, miyembro ng Tribal Council sa isang panayam ng Ang Kalikasan.
Comments