top of page
Writer's pictureJudd Hendricks MAIS

Amorphophallus longispathaceus

ni ALBERT C. BALARIO l 160501150016@r3-2.deped.gov.ph


WELCOME! Sa mahigit na 109 taon, muling pinag-aralan ang Amorpphophallus longispathaceus na matatagpuan din sa Zambales. Dito lang sa Pilipinas matatagpuan ang ganitong uri ng halaman. (Larawan ni Peter Quakenbush mula sa agriculture.com.ph)

Itinuturing ang Pilipinas bilang sentro ng biodiversity sa mundo dahil sa saganang mga halaman at hayop ang matatagpuan sa kagubatan, kabundukan, at dagat.

Taon-taon, maraming halaman ang nadidiskubre ng mga eksperto. Isa na dito ang magandang Amorpphophallus lonispathaceus.

Ayon sa ulat ng mb.com.ph, unang nadiskubre ang halaman sa Ilog ng Abulug sa Cagayan at sa Bundok Apo sa Davao.

Dagdag pa, maliban sa mga lugar na nabanggit, mayroon ding ganitong halaman sa mga kabundukan sa Isabela, Samar, at Zambales.

Ayon sa ulat nina Rene Alfred Anton Bustamante, Maverick Tamayo, at Wilbert Hetterscheid, umabot sa 109 taon bago muling pinag-aralan ang nasabing halaman.

Sa kanilang isinagawang pag-aaral, mamula-mula mga dahon kapag bata pa at berde kapag matanda na.

May pagkalila naman ang bulaklak nito na may batik na puti.

Ayon naman kay Gng. Donah Fabros, mayroon ding Amorpphophallus longispathaceus sa mga piling lugar sa Sitio Lumibao.

“Pakalat-kalat lang dito ang halamang iyan. Kinakain rin iyan ng mga baboy. Makati nga lang kapag nahawakan,” sabi pa ni Fabros.

Mahigpit namang ipinagbabawal ng mga awtoridad ang pangunguha nito at gawing halamang ornamental. Babala ng mga eksperto, maaaring magdulot ng pangangati ng balat kapag nahawakan ito.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Komentar


bottom of page